My 2015!

Year 2015 ay isang travel year para sakin. Matagal ko na pangarap ang magtravel pero gusto ko sanang ireserba ang pangarap na magtravel pag may kasama na ako. Pero mukhang nakadisenyo  yata o naisulat na sa palad ko na kailangan kong maghintay ng tamang panahon para don. Year 2015 ay masasabi kong healing year para sakin. Hindi ko naman pwedeng sabihin na “hinahanap ko ang sarili ko baka magkasalubong kami at magkangitian eh matakot pa ako at magkagulatan pa kami. Lunod na lunod ako sa maraming sakit, maraming galit, maraming takot, at sama ng loob at kung ano ano pang mga bagay na hindi ko maisip at sukat akalain na mangyayari sakin. Kailangan kong ayusin sarili ko bago pa ako tuluyang bumigay. Bago pa ako mapunta sa dark side sabi nga don sa star wars.. “Fear and anger daw ay path to the dark side. Anger/fear leads … Hate leads to suffering.” Parang ganyan yong sinabi ni Master Yoda. at sabi don sa nabasa ko malaking factor daw ang pag travel para makagaan at mawala ang mga hinanakit mo sa buhay kaya….Inumpisahan ko ang travel ko sa…

Maldives: Nalungkot ako lalo sa lugar na to dahil unang una hindi ako marunong magbike. Pangalawa, honeymoon destination ito so masasayang mag jowa na feeling nila may forever talaga ang halos nakabakasyon dito. Puro langoy lang ang ginagawa ko hanggang mapagod ako. Tapos iiyak tapos langoy ulit. Nakakaiyak yong ganda ng lugar, yong linaw ng tubig at ang magandang sunset na nagsasabi at nagpapahiwatig na walang forever.

Tokyo, Osaka, Kyoto, Japan: Tatlong malalaking City sa Japan at dito sa lugar na to ako naging masayang masaya. Natuto akong sumakay sa train. Maligaw ng maraming beses. Magpanggap na geisha habang naglalakad sa kalsada na naka kimono. Kumain ng green tea ice cream sa gitna ng malamig na panahon. Bumili ng sake sa mga vendo at uminom sa gilid ng kalsada. MAglaro ng pachinco at pakipagpustahan sa mga matatandang hapon sa paglalaro nito at makipag umpugan ng malamig na bote ng sake pagkatapos matalo. Magbabad  sa onsen hanggang sa malapnos. Kumain ng  kumain na parang wala ng bukas. Nag enroll ng culinary (Japanese Cuisine) tradional na ibat ibang klase ng ramen ang minaster ko. Lahat ng kalokohan at kabaliwan dito mo makikita sa Japan.

Rome, Italy: Kung sa Middle East puro kapiraso ng buwan ang makikita mo sa tuktok dito naman puro cross kahit san ka lumingon may cross. Katapat ng vatican ang nakuha kong room. Puro kalembang  naman ng kampana ng simbahan ang naririnig ko ang lakas makapasko palagi at ang mga cobblestone na nilalakaran ay panahon pa ng malulupet na mandirigma nong unang panahon na sobrang nakakaamazed. Nandito ako sa lugar ng mga Christian na kung saan pinapakita nong unang panahon kung gaano sila makapangyarihan. Dito ako muntik na madukutan nakabukas na bag ko dudukutin na lang ang lahat ng meron ako. Mukhang artista ang mandurukot. Muntik na kami magkita ng malapitan ni Pope kaso nong dumating ako paalis naman sya papunta sa Cuba that time. Pinasyal ako sa loob ng simenaryo ni Father at tsinismis nya sakin mga kaklase nya. Pinasyal naman ako ni Ninang Sister  sa mga simbahan at mga tourist spot sa  Rome at higit sa lahat pinuntahan  ako nila Nanay at pinagshopping ako. Maliit lang ang Rome pwede mo lakarin lahat ng tourist spot na meron sila at ang daming Pinoy na hindi ngumingiti. Ang sarap ng pasta nila dito at beer.

Florence, Italy: Ang lakas makabalik sa palumaan ang lugar na to. Kung palumaan at pakalawangan ang mga cathedral sa Rome dito kakaiba ang Cathedral kulay puti ang cathedral. Ang simple ng mga simbahan isang patulis na cross lang tapos na. Taga dito si Leonardo Da Vinci kaya wag ka na magtaka kung puro statue ni Leonardo Da Vinci. Dito din ako nakakita ng totoong mummy. Kung nanonood ka ng Da Vinci’s Demon na series maeenjoy mo ang Florence. Maulan ang Florence, inulan ako ng tatlong araw sa lugar na to.

Pisa, Italy: From Florence, isang oras lang by train papunta sa Pisa. tatlong oras lang ako dito sa lugar na to tiningnan ko lang kung gaano at paano naka tagilid ang Pisa Tower. tapos sakay ulit ako ng train papunta sa…

Venice, Italy: Hapon na ako nakarating sa Venice, usually ang ginagawa ko kasi pagdadating ko terminal station pumupunta kagad ako sa Tourist information ipapakita ko ang hotel booking ko at itatanong kung paano makapunta don at kung ilang tram, bus or train ba ang sasakyan ko. tumawa ang nasa information. hindi mo kailangan ng bus or train or tram papunta sa hotel mo. bangka ang sasakyan mo. Paglabas ko sa terminal parang may isang malaking highway na puro tubig at bangka ang mode ng transportation. ang sarap ng amoy ng hangin, amoy seafood at cheese. Dito ko natikman ang pinakamasarap na seafood pizza na natikman ko. gondola experience at hindi mo malubos maisip na may ganitong lugar sa mundo na sobrang ganda. babalik ako dito sa 2016.

Budapest, Hungary: Night Train. Kung napanood mo ang “The Grand Budapest Hotel” ganun na ganun ang naging experience ko sa train, kakabugin ang pintuan mo ng limang kalalakihan na naka full gear hindi nila bubuksan ang ilaw kukunin passport mo for inspection flaflashlightan mukha mo na parang suspect ka sa isang krimen. 5times na ganung inspection kaya hindi rin ako nakatulog sa 14hrs na byahe. Sa terminal pa lang medyo nagdalawang isip ako kung tama ba na pumunta ako dito. nagkalat ang mga refugees sa mga train stations. medyto natakot ako dahil sa mga palakad lakad na mga lalakeng naka full gear parang palaging papatay ang mga datingan nila. Pero, paglabas ko sa stations wala ka na ibang masasabi kundi “ang ganda ng Budapest! talagang preniserba nila ang lahat ng mahahalagang kaganapan at mga bagay bagay sa bansa nila. Yong nature sobrang nakareserba para sa mga susunod na generation. yong mga lesson about war sa school noon, yong mga nababasa mo sa book nandito lahat parang narerefresh ka. Yong hungarian sausage nila panalo sa sarap at laki. pag bumili ka ng isa pwede mo sya pagkain para sa maghapon mo. puro hungarian food ang kinain ko dito sa lugar na to. magsasawa ka sa cathedral sa lugar na to.

Prague, Czech Republic: Ito ang pinakapanalo sa lahat ng lugar, yong mga Cathedral nila hindi basta basta design lang super super sa design. Inulan ako sa lugar na to ng ilang araw. puro kain, tulog at lakad ang ginawa ko sa lugar na to sobrang nakakarefresh ang lugar sa ganda nya. Para syang Budapest na madami ding pinagdaanan nong panahon ng war. Parang masarap din tong balikan sa 2016 at pag madadaan ka ng Europe puntahan mo tong lugar na to maganda. sobra syang maganda. sa sobrang ganda nya hindi ko maipaliwanag yong pakiramdam nong nandito ako sa lugar na to yong pakiramdam na ayaw mo na umuwi 😀

Colmar, Alsace-France: Mala Fairy tale ang lugar na to. maliliit na bahay na puro bulaklak. para kang nasa isang fantasy movie. may mga lakes at may mga nangingisda na matatanda. ito yong parang tirahan ng mga nagretire na mga matatanda na parang gusto pa tumagal ang buhay.. napakatahimik ng lugar at walang tao sa tanghali. Dito naman ang centro ng mga wines. at dito Colmar Alsace mo matatagpuan ang may pinakamasarap na white wine sa buong mundo. kung mahilig ka sa wine or ang business mo ay patungkol sa mga wine malamang alam mo ang lugar na to. Dito ang mga plantation ng ibat ibang klase na grapes. maulan ang mga araw na nandito ako kaya hindi ako nakapasyal sa plantation nila pero natikman ko ang white wine na pinagmamalaki nila- yong pakiramdam na habang gumuguhit sya sa lalamunan mo at nararamdaman mong unti unti syang kumakalat kasama ng dugo mo. para syang may ganung power na pakiramdam at yong lasa na masasabi mong “shaks, isa pa nga”matamis na mapakla na parang may honey na prang lasang dugo na maalat (may ganung factor) at yong ayaw mo uminom o kumain ng kahit na ano para hindi sya mawala sa panlasa mo.

Strasbourg, France: Naenganyo akong pumunta dito dahil lang sa isang reason. dito daw matatagpuan ang may pinakamaganda at pinakamabusising design ng isang cathedral. Strasbourg cathedral o Cathedral of Our Lady of Strasboug. hawak ang isang mapa nilakad ko ang lugar papunta sa cathedral. bago pa man ako makarating sa strasbourg cathedral. Marami pa akong nadaanan na cathedral na sa una iisipin ko yon na ang Strasbroug cathedral pero hindi pa pala dahil malupet din ang mga design. pag nakita mo ang Cathedral na to kikilabutan ka sa kakaibang design, nakakatulala ang mga maliliit na detalye at masabi mong may karapatan syang tawaging pinakamaganda at pinakamadetalyeng cathedral sa buong mundo.

Paris, France: Kung panghuling destination mo ang Paris matapos mong maikot ang ilang part ng Europe, medyo mashoshock ka sa lugar na to. kaya pala sabi ni Nanay noon, kung pupunta ka ng France sa ibang lugar na lang ng France wag na sa Paris sabi nya. peo dahil gusto ko makita si Monalisa na nasa Louvre at ang Eiffel tower eh dumaan na din ako sa Paris. Hindi katulad sa dalawang lugar sa France na Colmar at Strasbourg na sobrang tahimik, kabaliktaran naman sya ng Paris. hindi ako lumabas ng unang araw at gabi ko sa Paris kasama ang dalawang Japanese na babae na inaatake ng kanilang Paris Syndrome. kinabukasan, buong araw kong inikot ang France hanggang gabi at hindi naman pala sya ganun na nakakatakot. kaya nagtagal pa ako ng ilang araw sa lugar na to.

Nice, France: Dagat sa taglamig? why not? pag nasa France ka na puntahan  mo na din ang mga lugar na meron sya wag lang ang Paris dahil mas maganda pang lugar sa France bukod sa Paris. Nag alab ulit ang kagustuhan kong matutong magbike sa lugar na to dahil lahat halos ng tao nagbibike parang katulad sa Maldives parang hindi ka belong pag hindi ka marunog magbike. Niligo ko na lang sa dagat ang pagkadismaya sa sarili ko dahil hindi ako natuto o matututo na magbike at tinatanggap ko na yon.

Monte Carlo, Monaco:  Isa ito sa pinakamayamang bansa na napuntahan ko. kung napanood mo yong “The Transporter 4 Refueled” sa Monte Carlo Nila shinoot ang movie na yon. don mo makikita kung gaano kayaman at kaganda ang lugar na to. Hindi ko rin pinalampas ang beach dito kaya puro ligo din ginawa ko. Panalo ang mga shoppingan dito mag sawa ka. mga matataas na kalidad umpisa sa tsinelas hanggang sumbrero na usong uso sa mga babae na nandito Ang lakas makamayaman ng lugar na to.

Barcelona, Spain: Habang nasa train ako papunta sa Barcelona, wala akong ibang nasa isip kundi ang kumain ng paella. sa loob ng 7months na pagtratravel ko ngayon lang ako makakakain ng medyo may touch ng Filipino style na pagkain. iniimagine ko na ang lasa nya at ang kanin na may seafood. pagkadating ko, binaba kagad ang mga gamit at lumabas na ako para maghanap ng makakainan ng paella at inumpisahan na ikutin ang Barcelona at medyo nakakarelate ako kunti at naiintindihan salita nila. ang gaganda at ang seseksi ng mga tao dito parang bawal ang mataba dito sa lugar na to. at kinagabihan nga nabalitaan ko ang nangyari sa Paris na pang babaril at pagpapasabog dito at natakot ako kasi kahit sa barcelona that time ramdam ang takot at makikita mo sa mga taong nandon. nagtrain ako papunta…

Madrid, Spain: Hindi ko halos naikot ang lugar na to kasi ramdam ko na ang presensya ng mga armadong kalalakihan na palakad lakad na naka full gear para protektahan ang mga tao na nasa Madrid. kasagsagan pa rin ito sa paghunting sa mga suspect sa pagsabog sa Paris. hanggang sa naisipan ko na lang na umuwi.. pero saan? wala pala akong uuwian. Sa Australia ang una kung naisip since sabi nga sa isang quote “Home is where your passport is” so why not? pero iisipin ko pa lang yong lugar na sobrang malungkot at tag init sa lugar na yon.. medyo nagdadalawang isip ako. hanggang sa biglang tumawag ang Middle East na company na kailangan nila ako personal para sa year end report so yon na. dasal lang talaga. dasal lang. Nandito na ulit ako sa Middle East at nagplaplano/ naglilista kung saan na naman ako or kami (inshallah) ngayong taong 2016 at kasama ang Philippines sa list!. xD

last ko na to haha alam kong hindi ako pwedeng maging travel blogger. pero yon nga kukwentuhan parin kita sa mga susunod na travel ko ngayong 2016.

“Don’t be scared to travel/walk alone. Don’t be scared to LIKE it”

 

 

 

 

Margarita

Dear Nanay,

At dahil Mother’s day ngayon, syempre hindi pwedeng wala ka ulit tribute dito sa blog ko. Siguro nagtataka ka kaninang umaga kung bakit wala o hindi pa kita tinatawagan para batiin ka. Kaya hindi kana nakatiis, tinawagan mo na ako. “Bakit ganyan na naman boses mo yan? Umiyak ka na naman? Minsan ko nalang naririnig na masaya ang boses mo anak ang malungkot mong bungad. Ganyan kagad ang una mong sinabi kanina. Kaya minsan ayaw din kitang tinatawagan Kasi alam kong ganyan kagad ang sasabihin mo bukod syempre don sa pangungulit mo sa apo dahil sasabihin mo ulit na malapit kana mamatay kaya kailangang makita mo na apo mo sakin.

Kwentuhan mo ako Nay, yong masayang kwento sabi ko sayo.  Tapos sumaya ulit boses mo. Tsinismis mo yong kapitbahay nyong taga Germany na palaging humihingi ng sugar at flour sayo kasi laging kinukulang sa sukat don sa measuring cup nya yong binibili nyang ingredients at nasusura ka kasi pag buo na yong nabake nya hindi ka man lang binibigyan kahit isang slice man lang. At kinuwento mo din na hindi maganda kutis nong kapitbahay mo na yon dahil maraming nunal nunal sa may shoulder yong parang kay Kris Aquino sabi mo pa.

Tapos, bigla kang sumeryoso. Naalala mo nong hindi mo ako inimik ng kulang kulang dalawang taon din yon ang tigas tigas mo din talaga non tayong dalawa na nga lang eh sobra ka madisappoint kasi akala mo at iniexpect mo na yong gusto mong course ang kinukuha ko tapos huli na nong malaman mo na Engineering yong kinukuha kong course. Tapos nong nagtratrabaho na ako hindi mo pa rin ako iniimik pero nong may nanuhol sakin non na isang project tapos bilang suhol nong intsik binigyan ako ng ilang sakong semento at maraming pako tapos pinagawan kita ng piggery lumambot puso mo non diba? Unti unti mo na akong pinagiinit ng tubig na panligo at pag nilulutuan mo ako ng noodles eh may itlog nang kasama dati dati kasi wala, plain na noodles lang talaga tapos lalong naging bati tayo non, nong binilhan kita nong pangarap mong sofa na paikot.

Tapos, naalala mo din na halos isang taon din kitang hindi inimik dahil alam mo na sabi mo pa ang tigas tigas ko din partida pa may sakit ako non. Tapos nong pinuntahan kita sa London last year after ng halos isang taong walang usap usap ang bungad mo kagad sakin eh ” nak, binilhan kita boots at lipbalm” tapos yakap yakap mo lang ako na gusto mong pawiin lahat ng sakit na nararamdaman ko nong mga oras na yon. Wala tayong masyadong salitaan non pero ramdam ko na may kakampi ako. You think you’re clever, do you? bulong mo sakin habang yakap yakap mo ako at tuluyan mo na akong napangiti non. Bati na ulit tayo. Ganyan tayong dalawa kahit noon pa man. Pag nagkagalit, aalis, walang iimik, pero pag nagkita parang wala lang nangyari tapos pagtatawanan ang mga bagay bagay kung bakit tayo hindi nag imikan. Nakadesign tayong dalawa na maging magbestfriend sabi mo nga sakin dati binigay ako ni Lord sayo para may bestfriend ka at ganun din ako. Na kahit anong mangyari kahit wasak wasak kana may yayakap at yayakap sayo at sasabihing everything will be alright! We’d never have known, would we?.

Napapangiti mo ako palagi pag tumatawag ka kasi british accent kana tapos panis na panis sayo ang paggamit mo ng mga tag questions katulad ng “do you?, will you? Don’t you? Isn’t it? Tapos sabi ko sayo turuan mo ako magenglish kasi ang alam kong english eh english pana tapos sinampolan kita tawa ka ng tawa “you going? Yes, i’m going and go. Wasak na wasak eh. Natutuwa akong pinalaki mo akong ganito na lahat at pwede nating pagusapan ang mga bagay bagay na hindi ko na kailangan ng ibang tao. Pag nagka anak ako gagayahin kita. Hindi lahat, pero mas madami akong Kukuhanin na trait mo lalo na kung magmamana sakin magiging anak ko kailangan talaga kitang gayahin.

Alam mo bang habang natanda ako, nagiging kaparehas na kita napapansin ko na lang may mga ugali mo ako na nagagawa ko tapos nangingiti ako at sasabihin ko sa sarili ko na pambihira nakuha ko tong kaadikan na to kay Nanay. Mahilig na rin ako magluto, maglaba mga gawaing bahay na gusto ko na ako mismo gumagawa ayaw ko ng ibang tao. Alam kong pagdating ng panahon magiging mabuting nanay ako katulad mo kasi yon ang mga pinakita mo sakin.

Salamat sa mga paalala ng mga kahalagahan ng mga bagay bagay katulad ng kahalagahan ng tea imbes na kape, vitamin E&C, sunblock, moisturiser imbes na make up. Kahalagahan ng pagtulog na hindi aabot sa 12hrs, exercise, at maraming tubig imbes na juice. Kahalagahan ng bakasyon Pagkatapos ng mahabang work at iba pa. Thank you Nanay! Kahit minsan eh OA kana pero sabi mo nga hindi natatapos ang pagiging nanay ng isang nanay ng ganun ganun na lang.

Happy Mother’s Day, Nanay! I’ll always love you.

Mata ne!

Anne
“Your soulmate is not someone who comes into your life peacefully. It is someone who comes to make you question things, who changes your reality, someone who marks a before and after in your life. It is not the human being everyone has idealized, but an ordinary person, who manages to revolutionize your world in a second.” – unknown

Virility

Ngayon ko lang lubos na naiintindihan ang mundo ng mga kalalakihan. Sa loob ng maraming taon na pagtratrabaho kasama ang mga Adonis at mga lahi ni panginoong Gardo ngayon ko lang talaga sila napagtuunan ng pansin. Basta ang alam ko lang simula nong nagkatrabaho ako wala pang nanghiram o bumulong sakin ng “may extra napkin kaba dyan? yong may wings.” masasabi kong cool kasama ang mga lalaki sa work. walang arte arte sa katawan, wala kang masyadong reklamo na maririnig at higit sa lahat madali silang kausap. “Yes” at “No” lang minsan may “Maybe” pero siguradong hindi talaga sigurado nyan. diretso lang sila mag isip. uulitin ko diretso lang sila mag isip kaya pag sinabi nilang “1kh4W Lh4nGz Zh4Ph4T nh4h.” wag kang maniwala dahil  bukod sa magulo ang pagkakasabi nila nito kahit kelan hindi ka Zha4zha4ph4T lalo na pag may babaeng nagpadala ng selfie na wet selfie na bagong ligo na nakabathrobe lang gamit ang camera 360.

Sa unang limang taon ko dito sa disyerto karamihan sa mga naging katrabaho ko na mga paexpired na. mga tatay na at karamihan nakadalawa at tatlong asawa na. madalas nilang sabihin sakin habang namimingwit kami na hindi nila kayang mabuhay na walang babae. kahit ano pang babae yan basta babae. kailangan nila ng lambing at haplos at maraming haplos ng kahit sinong anak ni Eva. walang pinipili basta mahaplos lang sila ay sapat na.  Mga tunay na lalake kung baga ganun sila karupok mga marupokpok. Saka na lang iisipin ang mga mangyayari pagkatapos ng lambing at maraming haplos.

Survey: Galing sa totoong buhay ng mga tunay na lalake.

  1. Sa unang araw ng date nyo alam na ng mga lalake kung pangmatagalan ka o pang kama ka lang. pero kahit alin ka man dyan sa dalawa na yan parehas ka nila ikekeep for other purposes.
  2. Kung sa tingin mo nawrong sent sayo ng “I Love You” at sa tingin mo hindi para sayo yon, hindi talaga para sayo yon wag mo na kulitin kasi mauuwi yan sa sex and other purposes ulit.
  3. Mas gusto nila ang boobs kesa sa puwet.
  4. Mas gusto nila ang maputi kesa sa morena.
  5. Mas gusto nila ang Engineer kesa Nurse.
  6. Naniniwala sila na kung ano itsura ng nanay mo, ganun magiging itsura mo pag tumanda ka. nagiging basehan nila ang itsura ng nanay mo kung kaya nilang masikmura ang ganung itsura mo sa future. hot momma parin ang gusto nila pagdating ng panahon.
  7. Ayaw nila na tinatawag silang “asawa ko” kahit pa 100times na kayo nagsex sa loob ng 30days nyong pagkakakilala. kinikilabutan sila don.leche naman inaasawa mo na hindi pa kayo nagmomonthsary. relax lang.
  8. Ayaw nila ng babaeng biglang higa at biglang buka. pero dahil nakahiga na at nakabuka na gusto na rin nila. pero ayaw nila yon kahit papano may respeto parin sila sa sarili nila pero maiisip lang nila yon pagkatapos ng banggaan sa C5. magagamit nila ang hushtag na #hindikotoginusto.
  9. Para sa mga legal wife, kahit maka ilang kabit ang mga mister nyo. hinding hindi mapapalitan ng kahit sinong kabit ang pagiging legal wife nyo. kaya kalma lang. kunting pagpa papayat pa at ugaliing maligo sa gabi. mas mabango mas mainam.
  10. Nasasaktan din sila. period.
  11. Tandaan na walang feelings ang landian lang. wag masyadong seryosohin mauuwi sa biglang higa at dapa ang malupet na landian. walang feelings. walang laman. kung momol, momol lang. kung lalang, lalang lang. wag mong lagyan ng puso, ano ka gilas pilipinas may puso.
  12. Kung matino kang babae, huwag kang magpapadala ng selfie sa isang lalakeng 5days mo pa lang nakikilala na bagong ligo ka at nakabathrobe ka lang gamit ang camera 360 dahil isa lang ang iisipin nilang motibo mo. wag masyadong malandi. dahil mas malandi sila sayo.
  13. Pag sinabi nilang wala silang iniisip. wala talaga silang iniisip. blangko. kaya nila yon. kaya wag kang makulit.
  14. Natutuwa at lihim ka nilang pinagtatawanan pag mas gwapo pa sila sa bago mong bi ip. kaya ang payo ko sa pagpili ng bagong bi ip, iwasan ang maraming kanto ang mukha at mukhang butiki. pero kung ganun nga ang naging kapalaran mo wag mo na ipost sa fb at gawing profile picture.
  15. Takot din sila sa STD, HIV at kung ano ano pang bacteria na nakukuha sa pakikipagniig kaya mas pinipili nila ang nurse for other purposes. naniniwala sila na pag puti at malinis ang damit o uniform, mas mainam.
  16. Pagkatapos ng malupet na habulan at banggaan sa C5. isa lang ang nasa isip nila. “may nauna na naman.” “na naman” at babalik sya sa number 8 sa itaas.
  17. Sa buong buhay nila, kahit nakarami na silang babae. may kaisa isang babae silang itatangi. kahit hindi man nila mapangasawa yon o makatuluyan, ang babae na yon, sya parin ang iisipin nila. kahit nakapag asawa na sya ng iba. itinatangi ng puso nila yon nakatatak kung baga sa puso nila.
  18. Ayaw nila ng niloloko sila sa pamamagitan ng pagpost ng profile picture na ginamitan ng mahika ng camera 360 o photoshop. pakiramdam nila naisahan mo sila don. kung hipon ka, hipon ka. hintayin mong isang araw may lumapit sayo na hindi lang katawan ang kainin sayo malay mo pati ulo mo sipsipin.P.S. Ilan lang na tunay na lalake lang ang pinagkuhanan ko ng malupet na impormasyong ito. sa palagay ko sapat na ang ilang  lalakeng ito dahil sa panahon ngayon, ang ibang lalake gumagamit na rin ng camera 360 at binabaha ang wall nila ng selfie ang lakas maka bakla. #ultragayusingcamera360

Smooth

My muñequita, My Spanish Harlem Mona Lisa. You’re my reason for reason the step in my groove, yeah. And if you said, “This life ain’t good enough.” I would give my world to lift you up. I could change my life to better suit your mood..because you’re so smooth

And it’s just like the ocean under the moon. Well, that’s the same as the emotion that I get from you. You got the kind of loving that can be so smooth, yeah. Gimme your heart, make it real or else forget about it..

Ayus na ayos ang mood ko ng mga oras na yon dahil pagkatapos ng halos isang buwan, hindi sumablay ang pangalawang ligo ko at nasundan pa ito ng 45minutes na ligo kaya pakiramdam ko ako ang pinakamalinis na tao na nabubuhay sa mga oras na yon. feel na feel ko ang pagsabay kay Rob Thomas at Santana na parang wala akong pakialam kung pumapatak ng 50°C kada isang patak ang init sa kalsadang tinatahak ko. …biglang…

BLAG!!!

Nablangko ako. may airbag sa mukha ko, ako ba nakabangga? nabangga ba ako? may aksidente ba na nadamay lang ako? natamaan na naman ba puso ko? hindi muna ako kumilos pinakiramdaman ko ang katawan ko kung may aagos na maligamgam na likido mula sa noo ko o sa braso ko tapos mga ilang minutes pa may kumakatok na sa bintana ko…sabay baba ng salamin…

you hurt? sabi ng babaeng nakatalukbong na mata lang kita. paano kami maguusap ng babaeng ito? maguusap ba kami sa mata sa mata? ano kaya itsura ng lips nya? malamang hindi tulad ng kay Angelina jolie. ano kaya itura ng ilong nya? makinis kaya mukha nya? may dimples kaya sya?may pimples? may warts? bad breath kaya sya?  ano kaya ang hiwaga na nagtatago sa mukha ng babaeng ito? kamukha nya kaya si Mama Mary?

I don’t know.. yan lang ang nasagot ko dahil hindi ko alam kung nasaktan ako. shyet oo may “h” bakit wala akong maramdaman dapat meron dahil bumukas ang airbag ko ibig sabihin malakas ang pagkakabangga sa sinasakyan ko pero bakit wala akong maramdaman..tuluyan na ba akong namanhid sa sakit? shyet ulit ang init init. ang sabi ng isip ko.

Mula sa harapan namin lumapit ang kamukha ni Titus Pollo sa series na Rome. nakalongsleeve na tinupi hanggang siko, nakabukas ang butones mga hanggang tatlong butones ang nakabukas kita ang mabuhok nyang dibdib. matipuno, sukat na sukat ang buhok sa mukha nasa tamang mga kinalalagyan, medyo green at blue at gray ang kulay ng mata at yellowish ang pang lima at pang anim nyang ngipin kung magbibilang ka from wisdom tooth. may wrinkles at may nunal sa kanang sintido. Sya ang third party sa aming dalawa ng babaeng nakatalukbong na mata lang ang kita.

I need police report sabi ni Titus Pollo. kailangan naming tatlo ng police report. walang sisihan, walang mainit ang ulo, kalma lang ang datingan naming tatlo habang kanya kanya naming sinisilip ang danyos ng mga sasakyan naming tatlo. wasak ang kanang bahagi ng pwetan ng sasakyan ko. lumapit ulit ang babaeng nakatalukbong “hey, i’m sorry” I’ll give you my number just in case you hurt. what Asian are you? from Philippines ang nakangiti kong sabi. oh, but why you are white? maybe you don’t like sun.. you look pale also. sa arawan talaga kami nagchichikahan shyet ang  init. Paano ko ba ipapaliwanag dito sa babaeng nakatalukbong na ito na isang buwan akong nagkasakit at kakaligo ko lang ng 45minutes kaya ako maputi. sheyt ang hirap mag English..

Dumating ang pulis. yong babae lang nakikipagusap ng made in Arabic inabot sakin ang police report saka don sa kamukha ni Titus Pollo sa series na Rome. Hey, Filipini, if you hurt call me. okay? ang huling sinabi nya at dalawang busina ng mga sasakyan bago humarurot.

Ngayon, masakit ang lower back ko.. tatawagan ko ba sya? sa pagkakataon bang ito makikita ko ang mukha nya? nagseselfie din kaya sya? malalaman ko na ba ang hiwagang nagtatago sa itim na nakatalukbong sa ulo at mukha nya? maganda kaya buhok nya? shiny? Smooth?

Smooth

And it’s just like the ocean under the moon. Well, that’s the same as the emotion that I get from you. You got the kind of loving that can be so smooth, yeah. Gimme your heart, make it real or else forget about it..

Gimme your heart, make it real or else forget about it..

 

Pechay

Ano ka, si Alice Dixon? May pechay ka bang mahalimuyak? Kung hindi wala kang karapatan o sino man sa mga kababaihan na gayahin ang mga eksena sa mga telenovela. Bakit? Dahil may budget sila para sa make up, sa suot, sa make up. Hindi pwedeng sinampal ka lang sa tsinelas sa magkabilang pisngi ay pwede ka ng kumilos at umasta na parang kabit sa isang telenovela. Iilan lang ang mala alice dixon ang alindog, kaya umayos ng naayon sa hitsura at estado ng iyong relayson o sabihin na nating kung ano ang katayuan mo. kangkong ka lang. Ano ang pinupunto ko? Ganito lang yan, tungkol ito sa mga higad, yung mga makakating babae, o sabihin na nating kabit. Karamihan sa mga other woman madalas pinapalabas nila sila pa ang biktima at sila pa ang matapang para pagtakpan ang kalandian nila. Alam mo ba ang mantra nila? Madaling hulihin ang manok kapag nakatali, mas madali kung nakakulong din kasi papasukin na lang. Hindi mo maintindihan kung bakit alam nilang taken na ang lalakeng nilalandi nila pero sadyang may brace at dimple sila sa mukha na tinatawag na clit face na kunting dampi lang pasok na kagad ganyan sila ka easy na iaccess. Kunting banat lang at kunting bola sa facebook sa kanila na ang ganda ganda mo naman sa profile picture mo at pag nakipag eyeball na makakapasok kagad ang balls. Nong nagsabog ng Moral Code para sa mga kababaehan ay mukhang absent yata ang mga other woman pero naniniwala din ako na lahat ng babae tinatakan ng code sa noo bago sinalang at niluto “moral code” pero sadya yatang hindi maganda pgkakaluto sa kanila kaya hindi nila alam ang sakit na naidulot nila sa kapwa nila babae. matapang pang sasabihin sayo na “huh, move on girl!kaya sana, maging friends tayo. Feeling ko kase magkakasundo tayo” – ito lang masasabi ko sayo fuck you! move on unin ko ilong mo at hilahin ko pa brace mo makita mo pa. nga pala ingatan mo sarili mo na Huwag na huwag ka makakasipon kasi deads ka kagad. Karamihan sa mga other woman ay: – Madalas ang mga other woman ay panget. Hanggang doon lang ang kaya ng mukha nila kaya dahil hindi nila kayang makipag sabayan ng patas sa mga babaeng may nanliligaw, o karelasyon okay na sa kanila yung kumabit. – Strike while the iron is sad – Hindi lang ito applicable sa mga abangers. May mga malalanding abangers, sila yung mga kumocobra teknik na kapag nakakita ng pagkakataon ay tumutuka sila. Kadalasan yung mga marurupok, yung mga may pinagdaraanan at mga malulungkot ang binibiktima. Sabi nga nung idol ko, sila yung mga babaeng “Shoulder to cry on” kapag nasa kalungkutan. Sa ibang salita, “Shoulder to cry on” is AHAS. – Hindi lang sa binyag sila nag papaproxy, nagpapabinyag din sila sa ibang lalake. Payag silang maging proxy date pag valentines day at pag may promo sa mga motel na may kasamang pansit at half fried chicken. Payag silang maging proxy girlfriend at pagtagal tagal feeling nila sila na yong girlfriend, tumatapang at nakakalimot ng posisyon nya na other woman lang sya. – Nakatikim lang, pinatulan lang akala nila at kung umasta sila at ubod at nuknukan sila ng kagandahan. Pakiramdam nila nasa kanila ang panig ng mundo, sa pakiramdam ay sila ang pipiliin. Akala nila naumay lang ang lalake ay uulit ulitin na sila. Gusto nilang maging adobo ng buhay ng mga lalake, kaya kadalasan kapag nagkahulihan na mas tinotoyo pa sila sa mga dapat may toyo. – Madaling kausap – regaluhan mo lang yan ng isang blouse, unlimited sex na kapalit nyan mas tipid. Oportunista. – Mahilig gumawa ng kwento at mahilig rin silang gumawa ng fake accounts. Nabubuhay sa mundong gawa gawa niya lang at dun siya ang reyna. – Kakaibiganin niya ang mga friends nung lalaki, mapapakilala sa mga friends nung lalake ng mga girls na kapwa niya mukhang kasambahay. – Ang other woman ay isang PINTO Ang lalake papasok yan basta bukas. Kaya lumalabas sa survey 99% kasalanan ng other woman at 1% lang sa mga tunay na lalake. Pero, pero 50/50 na lang para patas. pero sige na nga 51% na yong sa lalake kasi sila ang kumamot sa kati ng higad na mukhang kuko. Medyo magulo ang math ko, basta ganun na yon. Ang daigdig ng mga kabit ay laging nakasabit, alanganin. Respeto lang, ang kay Maria, kay Maria, hindi pwedeng hiramin o angkinin ni Magdalena. At uulitin ko, wala o bibihira lang ang Alice Dixon na kumakabit, kadalasan ay nurse.

Dear Jackie Sales

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa entertainment na naibigay mo sa akin, I have also invited some of my friends to witness and capture those prodigous posts and how you treat and describe me. Mahusay ka, nakakatawa, very entertaining but not inspiring. Masyado akong abala sa mga ibang bagay pero minsan nakuha mo atensyon ko. Napapakunot na lang ang noo ko, seryoso. Nagtataka ako at naguguluhan na masyado sa sinasabi nyo. Ang dami dami nyong sinasabi, at ang gugulo ninyo, hindi ba kayo nag uusap usap bago kayo bumanat?

Hindi ko kayo gustong patulan dahil una, hindi tayo mag kalevel, pangalawa, hindi tayo mag ka level at pangatlo, masyadong mababa ang level mo masyadong malayo ang agwat natin. pero…

Ikaw? Nasayo ang lahat ng oras sa mundo. May naalala ako, hayaan mong kwentuhan kita; naalala ko tuloy may isa akong katulong na galing mindoro, ang pangalan nya ay Jackie Lou naglalaro habang wala ang amo, nood TV, at dahil uso ang internet ngayon, nag eenrol pa sya sa unlimited surfing makapag post lang ng picture nya na na gandang ganda sya kahit sabog na sabog naman ang ilong nya. Ang laki laki ng ilong niya, at dahil doon wala syang close up na picture, umaanggulo sya palagi at hindi nagiging halata kung marami man syang tigyawat sa mukha. Pero halata pa rin sa kaputian nya ang pag gamit ng kung ano anong sangkap ng pampaputi, tipikal na katulong, nagpapaganda at sinusubukan ang kahit anong alternatibo, magmukha lang maganda at maputi, pero sa kabila non litaw pa rin ang pagkakapeke ng kulay nya at nakukuha pa rin sa mga makabagong picture editing applications na available kahit sa mga pinaka cheap na telepono. Madalas may selfie picture na gandang ganda sya, minsan nga eh tabi pa ng kotse, na alam naman na hindi nya pag aari yon, malamang sa amo nya yon, walang nakakatawa at mali sa mga ganun bagay pero masasabi ko lang napakatipikal para sa mga ganun tao.

Kagaya mo, marami kang oras, ang dami mong o ninyong sinasabi, nakakatawa na hindi nakakatuwa. Ang hirap, lalo na nung una. Kung ano ano ang mga masasakit na sinasabi nyo sa akin? Anong purpsoe ninyo? Ang dami kong tanong: Bakit sa akin kayo galit? Anong ginawa ko sa inyo? Bakit ninyo ako iniinsulto? Kilala ninyo ba ako? At anong alam ninyo sa akin?

Wala akong pakialam kung sino ang nagsasabi sa inyo ng tama o mali, kung ano man yung version na sinasabi mo. Dahil yung mga version din ng mga nag memessage sa sakin na “kaibigan mo daw” ay mag kakaiba kayo. Wala akong pinaniniwalaan o pakialam doon sa sinasabi ninyo, pwede bang manahimik na lang kayo?

Kung sa inaakala nyo na nasaktan ninyo ako, oo, tama, at masama ang naging epekto sa akin non, hindi lang yung panloloko nyo sa akin nong lalake na yon. Tanggap ko na yon at nangyari na ang hindi dapat. Pero alam mo kung ano nakaapekto sa akin? yung mga pag mumura mo, pagtawag mo sa akin ng tae, pokpok, basura at kung ano ano pa. actually meron akong medical report about dyan na sa tingin ko magagamit ko sa nalalapit na pag haharap natin kung bibigyan ninyo pa ako ng pagkakataon para gawin to. Nasa sa inyo naman yan. Pati hospital bill ko, nandito rin. Organized akong tao at well documented.

Sa totoo lang, kung iniinggit mo ako kung ano man ang pinag gagagawa ninyo nong lalake na yon, ikaw na. Ikaw na talaga Jackie at proud na proud ka. Wala naman akong pakialam pa doon, malaman ko man o hindi na. Kung nagkikita pa kayo hanggang ngayon, kung nagtatawagan pa kayo o naliligo man kayo ng sabay, nasa sa iyo na yan. Kung totoo man o hindi, hindi naman ako ang niloloko mo o nyo, ang mga sarili nyo dahil para saan pa at ano pa ang gagawin ko dyan? Makakatulong ba yan sa recovery ko? Hindi. Sabi ko nga may medical certificate ako na nagpapatunay ng naging cause non.

First time akong masabihan ng mga ganon bagay, nanliliit ako sa totoo lang. Walang tumawag sa akin ng ganon at walang humusga, isa pa hindi ko naman kayo kaaway o inaano at hindi ko kayo kilala para murahin ako at tawaging boba.

Hindi ko maintindihan ito? Napakamot ako, hindi dahil sa bobo ako na gaya ng sinabi mo. Pero may mali eh.

“For you pathetic sick damn girl!”
Thank you for spending most of your time waiting for my new posts and cover photos. Also for all your efforts in making new Facebook account, trying to add my friends, sharing my pictures and making funny comments which is so ineffective if you’re trying to pissed me off.

Hindi kita pinikon, hindi ako gumawa ng ibang account and im using my own account now just to prove na hindi ako natatakot sa iyo o sa inyo. Sabi ko nga hindi ako ganyan kumilos, at hindi ako ganyan kadumi kung pumatol.

PS. If you can’t move on, just hang yourself. Its easy, fast and 100% Effective.

Oh, by the way, hindi ko talaga maintindihan kung saan banda ako hindi maka move on? Mukhang kabaligtaran lahat ng actions mo, mga sinasabi mo at mga pinag gagawa mo. Actually, sa tingin ko nga napaka desperada mo sa mga ginagawa mo, tingin ko lang naman and i’m not judging you, kasi iba ang mag ju-judge sayo aside sa mga kaibigan mo sa facebook, may mga natutuwa siguro lalo na yung mga nag cocomments madalas (at damay na rin sila) at madami rin na nagmumukha kang “cheap” at palingkera. Naawa nga ako sayo, parang hindi mo iniisip ang lahat ng pinagsasabi mo at pinag susulat mo, professional ka naman yata, Nurse? Tama ba? And I think ganyan ang profession mo, i don’t think fit ka a mag work kung parang may something sa pag iisip mo at sa behavior mo, aware ka ba doon? Baka kailangan mo ng tulong? Sinong nurse ba ang sabihan ang tao na mag bigti? RN ka nga ba talaga? Pumasa ka ba o nagbayad rin ba kayo? Oh nabalitaan ko rin pala na aalis ka papuntang states, nagpakasal ka sa bakla? May asawa ka na pala no? That’s easy, fast and 100% effective sa mga walang diskarte at tiwala sa buhay para umangat. Marry a Gay, fly later program, dapat may ganito para sa mga walang diskarteng tao na gustong umangat sa buhay.

Isa pa, natawa talaga ako nung tinawag mo akong “Pokpok” slut right? at “Baluga”? Nakita mo na ba ako? paano mo nasasabi ang mga bagay na ganyan na wala kang pruweba? Nakita mo ba yung nakatalikod kong picture? Tama na yon actually sobra sobra pa kahit nakaharap ka o nakahubad, take note, nakatalikod pa lang yon. Magkano na ba ang salamin ngayon? Marami kang oras di ba? bakit hindi ka muna manalamin kaya? Ohh.. Baka wala ka ring salamin, malabo mata mo? o wala kang pambili ng salamin dahil naubos a unlimited text na load o unlimited surfing? Ang laki ng galit mo sa mundo, ang laki laki ng galit mo sa akin. Ako ba ang naging kabit dito? Natanong mo ba yan sa sarili mo? o hindi mo matanggap na hindi ka naman mahal nung lalaking minumura mura mo din sa public. Alam mo naman na may gf sya di ba? Sure ako doon dahil alam na alam mo yung mga detalye tungkol sakin. Naghahabol ka ba sa kanya? May maitutulong ba ako? Sa kanya ka na lang kung gusto mo at kung tatanggapin ka nya. Wala na akong pakiaalam pa doon. May inaasikaso ako ngayon na tiyak na malalaman mo rin, stayput ka lang dyan hija, (dahil tinawag mo akong matandang Gurang, hayaan mo akong tawagin kitang Hija). Medyo magbasa basa ka rin naman kasi para naman nababantayan mo ang mga kilos mo. Pwede rin kontrolin ang sarili pag may time, payo ko lang yon bilang isang babae sayo. Dahil nakakahiya ang mag eskandalo ng ganyan at gumagawa ng kwento lalo na sasabihan mo at pinapalitaw mo na ikaw pa ang naagawan, baka hindi mo mapatuyan yan, hindi rin naman ako interesado kung totoo man o hindi, hindi naman nakakapagpaganda ng ilong yon.

Sabihin mo rin sa mga kaibigan mo (kung totoo man na hindi rin ikaw ang mga yon) na huwag na rin silang mag abala pa na abalahin ako. Dahil hawak ko lahat lahat ng mga sinabi nila na pananakit sa akin at pang iinsulto sa pagkatao ko. Masyado kasi kayong maiinit, mga hindi kayo nag iisip. Isa pang pagkakamali, at huwag na huwag kayong mag kakamali na abalahin pa ako dahil may mga consequenses yan. Baka sabihin ninyo na pinagbabantaan ko buhay ninyo, hindi ganon, hindi naman ako ganun kasama para umabot ng ganon. Kung matalino ka at registered nurse ka man o caregiver, alam mo na ibig kong sabihin pa. Lahat ng sabihin mo ay pwedeng magamit sayo, lahat ng sabihin mo pwedeng totoo, pero ang malaking tanong paano mo yon mapapatunayan? Paano nga ba? Medyo kailangan din mag isip bago sumiklab ang damdamin.

Lahat documented, wala akong namiss kahit isa sa mga ginawa nyo sa akin sa facebook in “public”. Kaya sana mag isip isp kayo kung kikilos pa kayo. Isa pa, anong atraso ko sa inyo? Sana isarado na natin ito at manahimik na kayo, hindi ko kayo inaano. Uulitin ko, hindi ko kayo inaano. Hindi ko rin naman pala ko kayo mapipigilan o wala akong control sa mga ginawa nyo at gagawin nyo pa. Pero warning lang talaga yung sa akin, huwag nyong sabihin hindi ko klinaro ang mga bagay bagay. Warning na rin to sa mga commenters mo at kasabwat mo na nag memessage din sa akin. Hindi ba nila ako maharap sa sarili nilang account? Pakisabi na lang sa kanila ang message na to at kung ano ang consequenses.

So nasa inyo na yan kung titigil ba kayo at manahimik na lang ang lahat at mag move on lahat kayo, kesa sabihan ninyo akong mag move on. Natatawa na lang talaga ako sa sinabi ninyong ito, sorry hindi ako maka get over eh, iba talaga eh. Ang lakas lang talaga ng sapak ninyong sabihan ako ng ganyan pero kayo ang putok na putok ang tumbong at mga buchi ninyo sa inis at galit. Grow up! Kayong lahat. Oh by the way, hindi rin ugali ng babae ang ikalat kung ano man ang nangyari sa kanila nung guy, totoo man o hindi. Alam mo ba kung anong tawag sa mga ganung klaseng babae? Seriously, Nagtatanong ako at tinatanong kita.

So paano, sana naman maging malinaw sa inyo ang lahat. Do your thing, ang i’ll do mine.

XoXo

Selfie

Selfie is a type of self-portrait photograph, typically taken with a hand-held digital camera or camera phone. simple lang kumuha ng selfie picture itataas mo ang kanan mong kamay look up and pak may picture ka na. pwede mo rin syang ipatong sa computer mo habang nasa office ka umanggulo kagatin ang labi, inguso ang labi o kahit anong gawin mo labi na sa tingin mo cute kalalabasan pwede mo ring ilabas ang dila kung kinakailangan tapos pak may selfie picture kana. isang beses sa isang buwan na may selfie ka ay kaayusan lang pero kung weekly at araw araw na nagseselfie ka, tingnan mong mabuti ang sarili mo sa salamin kung nasa tamang pag iisip ka pa ba baka kasi nalilipasan ka ng gutom at nagiiba na tingin mo sa sarili mo pwede kasing utusan ng utak ang mata na palabasin na maganda o gwapo ka pero hindi eh hindi kayang baguhin ang nakikita ng mga mata ang katotohanan.

Selfie sa lamay/patay. nakabackground ang kabaong, nakanguso at nakalagay ang isang kamay sa gilid ng mata at may caption na “huhuhu”

Selfie sa CR. hindi ko maintindihan kung bakit sa CR. ayun kasi sa survey sa CR daw ang may pinakamaraming selfie na nagaganap. bakit?

Selfie sa Gym. okay, may 10 pack of abs ka at may mga patubo pa sa ibat bang part ng katawan mo, eh ano naman ngayon?

Selfie sa bed. may good morning na caption, medyo gulo ang buhok pero nakalipstick at nakablush on.

Selfie sa bed ulit. may caption na “with my love” picture nyo ng kalukadidang mo na nakadila at nakahiga.

Selfie ng kuko mo. before and after.

Selfie sa fun run. effort to, yong habang tumatakbo ka tapos kinukuhanan mo sarili mo, pasalamat ka na lang kung may nakaassign na photographer talaga don sa event at napili ka na may pinakamagandang style ng pagtakbo kaya ka kukuhanan ng picture habang nasa background mo ang iba pang runner.

Selfie na blur ang kuha. mas maganda ka pag blur ang kuha mo kesa sa malinaw na shots.

Selfie habang nagdridrive. safety first pero mabangga ka sana pero hindi naman grabe yong tama lang na damage.

Selfie habang kumakain ng saging. kelan pa kinukutsara ang saging habang kinakain ito at may caption na “yummy”

Selfie after bath. wet look at nakatapis lang ng puting tuwalya kaso hindi napansin nya na yong kilikili nya na maitim nagfocus sya sa wet look nya na itsura.

Selfie habang may sakit. may caption na ang taas taas ng lagnat ko huhuhu”

Selfie ng ibat ibang part ng katawan mo. part ng kamay, part ng legs, part ng mukha, part ng buhok, mata, kilay, labi, ilong at tenga.

Selfie na nakatalikod at may bitbit na beach chair.